Daing Gamo
New Member
Sir, tanung lang po. Noong 2013 ay nawalan ako ng lisensya. Year 2015 kumuha ako ulit. Nitong November 2016 ay nahuli ako ng TPMO Pasig, base sa record nila, may violation daw ako year 2013 pa, nalaman ko na isang jeepney driver ang gumamit ng lisensya ko at ang penalty ngayon ay 7220 petot na! Tinanong ko c TPMO Pasig kung panu ko aayosin ang record kasi hindi ako yung nahuli nila before at identity theft yun. Sabi sakin, maging sila ay hindi nila alam ang gagawin. Dahil sa kailangan ko ang lisensya ko. Napilitan akong bayaran pati yung 7220 pesos na hindi naman ako ang may gawa. May magagawa ba ako para mahabol yung Jeepney Plate# TVY987 na gumamit ng lisensya ko?