Share ko lang rin experince ko sa sniper ko mga paps, araw araw ko syang ginagamit 20 kms per day office to work. Nagtataka lang ako tuwing aalis ako, masaya parati ang asawa ko, tuloy tuloy ko yung napapansin ng halos dalawang buwan. May araw rin na nag oovertime ako at minsan pa hindi nakakauwi ng bahay. Nagtataka ako lagi sya online pero ni isang message wala akong natatanggap. Naghihinala na ako nun. Minsang umuwi pa ako wala akong nadatna at sabi pa ng katulong namin parati raw umaalis si ma'am nya. Kinabahan na ako nun. Kaya sng ginawa ko, sinabi ko sa kanyang may seminar ako ng tatlong araw at magmomotor nalang ako(sniper mx), pero ang plano ko rh bantayan talaga sya. Pag alis ko ng umaga, tumambay lang ako sa isang restaurant at at tinago ko muna snipey ko. Sabi ng katulong namin madalas raw alas seite ng gabi umaalis ang misis ko. Kaya ng mga six thirty, bumalik ako sa amin pero sa bandang sulok lang na hindi ako mapapansin. At yun nga, nakita ko ang misis ko sumakay sa kotse namin at mukhang naka pustura. Kinabahan na ako. Pag alis nya, patago ko syang sinundan gamit ang sniper ko. Mga 30 kms huminto sya sa isang bahay at nakita kong may sumakay na isang lalaki, lalong lumakas ang hinala ko pero tinuloy ko parin ang pagtatago. Pag sunod ko sa kanila napadaan kami sa isang liblib na lugar. Madilim na talaga nun. Nagmamadali ata sila kaya binilisan ko ang takbo, sa kamalasan biglang namatay ang snipey ko, ayaw umandar. Patulong naman mga paps, ano kaya sira ng sniper ko?